wala kasi yan sa pagscheschedule ng isang "pictorial" (duh, may mga facebook, multiply, friendster accounts naman kayong lahat at ugaling ugali niyong mag-camwhore), at talagang tinaon pa sa isang araw na para sa akin ay napaka-espesyal, kundi nasa mga taong makakasalumuha mo ng dalawang oras.
Diba wala na kayong paki sa akin, hindi na ako nanghihimasok sa mga desisyon niyo. Evident naman sa facebook accounts niyo ang mga saya and everything niyo, dahil may isang tao na kayong nasaktan at alam niyong humahadlang sa mga plano niyong lahat.
Sa loob ng tatlong buwan, tatlong beses niyo na rin akong nasaktan. Ganito ba ang sinasabi niyong kaibigan?! Una, ang pambobola ng lider mo, tapos may sasabihin dahil hindi niya kaya, tapos babawain, at kailangan mong tanggapin dahil TAMA siya lagi, at tapos, ni-ha ni-ho, PISO LANG MAGTEXT para magsabing natuloy siya. BUREAUCRACY at its finest! Pangalawa, alam na ngang maraming tao sa MoA, busy kami mag-usap at nalalapit na ang oras ng programa, para magsabi at lumapit lang ng "may magbabanyo", o kahit text, tapos ikaw pa ang biktima-biktimahan?! Ano ba naman yan. Pangatlo, gusto niyo akong pumunta sa isang lugar na sabi ko na sa sarili ko, ayaw ko nang tumapak muli, at kailan niyo ako gusto pumunta, sa isang araw na kailanman isinumpa niyo sa mundo?! anak ng...
Katulad ng nabanggit ko dati, hindi ko na pinag-aaksayahan ang anumang mayroon ako sa mga taong hindi naman deserve lahat ng pawis, iyak, at dugong lumalabas sa akin. Tutal naman, nakakayanan ninyong ipagpalit ang halos isang dekadang pagkakaibigan sa kawalan niyo ng initiatibo, sino ba naman ako para tumanggi, dahil tama naman lagi kayo diba?!
Matagal na akong nagtitimpi, pero sa text na natanggap ko rito, ano ba ito, nananadya?! P.I. lang talaga! At ang nakakaasar pa, pinipilit ka pa, willing pang baguhin ang petsa para lang "mapagbigyan" ako. Insensitive ba?! Sinabi ko na kahit iurong niyo 'yan sa "Til Jesus Come Day", hinding hindi hindi ako pupunta. Sinayang niyo naman ang oras ko dati, bakit ko pa sasayangin ang oras ko para diyan.
Maling desisyon. Ginawa na yan ni PGMA nung Hello Garci. Pati ba naman ang kapalaran ko dati?! Hindi ko naman hiningi yun, it was something imposed. Then another case arises now, sasabihin niyo maling desisyon yung ginawa sa akin. Ano ba naman yan?! Hindi ko sinasabing tama lang ang tinatanggap ko, ang naging masakit sa akin, ang taong pinagkakatiwalaan ko sunod sa mga magulang ko pa ang nagsabi noon. Masakit para sa akin, pero nang marealize ko na mali pala ang lahat sa akin sa simula pa lang, wala na akong magagawa kundi itama iyon.
Sabi nga ng isang lecture class ko dati, "huwag mong hayaan na sa isang organisasyon maging bonsai ka. maganda ka kung titignan pero hindi ka na lalaki dahil sa kinalalagyan mo".
PHWEH!
FYI, hindi namin TINAON na bday mo kaya kami magpipictorial. Nung sunday lang naisip yon. At ang pinaka-available lang na time ay JUly 4 dahil kapag tinaon ng sunday, andun si Joy at di namin magagawa kung andun siya. Kung July 11 naman, may girls night out kami. Wala na talagang available na time para magpictorial dahil july18 ang party.
ReplyDeleteAt yung sinasabi mong evident sa fb accounts namin, jady please ilang beses na namin tinry ka kausapin. Kahit sa personal tinatawag ka namin pero ano di ka namamansin diba? At hindi porket nagsasaya kami e we don't care about you. Ikaw nagsabi na pabayaan ka muna e edi lumayo kami.
At yung sa MOA, tinawag kayo nila joy at xian. At lumingon pa nga daw kayo ni je. Siguro akala nila naintindihan nyo kaya ganun. At kung big deal yun, sana sinabi nyo sa amin. Nagtext pa nga kayo na magkita after e. Kung nagkita kita tayo anong mangyayari? Nagreply kami nun diba dahil akala namin walang mali. Apparently, nalaman lang namin na nagalit ka dahil sa fb status message mo.
At anong initiative ang sinasabi mo jady? Initiative na lumapit sayo? Sa ym, text at kahit sa personal tinry ka namin kausapin pero ayaw mo. Gusto mo pabayaan ka.
At last thing, pag hindi ka ininvite sa pictorial,ano na naman sasabihin mo, na masaya kami na wala ka? Kaya ka nga namin ininvite dahil di kaaway tingin namin sa iyo.
At kung galit ka sige fine. Pero sana sa personal ka nakikipagusap dahil lalong lumalaki ang problema at nadadagdagan ang issues.
Mag-usap usap tayo sa personal dahil hindi nalilinaw ang isyung to sa ganitong paraang lang.
ni laway ko ayaw kong pag-aksayahan sa inyo.
ReplyDelete